Thank You Lord :)
God knew how much I needed a companion right now.. Kaya, he sent my Mother back home kahit di ko pinagdasal. The best ka talaga God. :)
Pusang Kinalbo..
Na-corrupt ang Memory Card ng Digicam ko. Wala pa naman akong na-backup na kahit aling pictures dun. Mwisit! Paano na toh. x_x
Wag ka dun sa taong nagsasabi at nagpaparamdam sa’yo na espesyal ka. Better be with someone na kaya ka panindigan— magka leche-leche man ang lahat.
Friday Night.
Ngayon ay Friday. Bukas ay Sabado.. Bilang pagbawi sa limang araw na struggle ko sa paggising ng madaling-araw at pag-uwi ng hatinggabi, ako ay matutulog ng bonggang bongga simula ngayon hanggang bukas ng hapon. :D
Walang makakagising saken kahit sino. Di ako babangon kahit anong mangyari. Di ko bibitawan ang mga unan ko. Susulitin ko ang Lazy SaturDATE ko sa aking malapad ng kama.
Good night. See you tumblr tomorrow afternoon. zzz.. :)
aruray101 asked: wow ang lakas maka-abroad ng pictyur!! :D
Hahahaha.. Alam kong nai-inggit ka sa Summer Picture kong yan Mare.. Uyy.. gagaya yan. :-D
Repost: Buhay Grade School Ko (March 19, 2009)
kahapon, bumalik ako kung saan ko ginugol yung elementary days ko. madami-dami akong memories nung nasa elementary pa ako. eto yung ilan dun..
Grade 1: naaalala ko na hatid-sundo pa ako ni mudra kahit dyan lang naman sa kanto yung skul ko. sobrang sakitin pa ako nung mga panahong yan kaya kahit nasa skul, pumupunta pa rin si mudra sa room dala yung mga bote ng gamot (in liquid form) para ipainom sa akin.
Grade 2: nasa star section ako neto (umabot hanggang grade 6). hatid-sundo pa rin ako. dahil sa nakatira kami sa dagat-dagatan, hindi ko makakalimutan nung minsang bumagyo at sinuspend yung klase namin. birthday ko yun at ang taas ng baha. ang ending? pinasan ako ni mudra pauwi sa bahay para lang di mabasa ang sapatos ko. tsk.. ang sakripisyo nga naman ng mga nanay oh.
Grade 3: dito ko nakilala si “M”. ang unang boy na naging kaibigan ko sa room. masyado syang close sa akin, na halos pati mama nya eh nirereto na ako sa kanya. nakakatawa, pero sinusundo nya ako lagi sa bahay para sabay kaming pumasok. pag kasi di ako yung kasabay nya, iniiyakan nya ang mama nya.
Grade 4: palagay ko, talagang gusto ako ni “M” nun. kasi niregaluhan nya ako ng chocolates nung christmas party namin (na kinain naman ni mong kasi nakita nya sa ref). nung nasa grade 4 kami naka-experience ng GARDENING. naks. nagtanim kami ng talbos ng kamote dun sa garden plot, na sa kasamaang palad eh nakain ng kambing.
Grade 5: nakamove on na sa akin si “M”, kaya may na-link sa akin na bagong classmate na si “R”. super close kami nyan, lagi nya akong iniinvite sa bahay nila para tingnan yung photo albums nila. wala pa akong kaalam-alam na type ako nun, hanggang sa nakita nung classmate ko na naka-flames yung pangalan ko kay “R” dun sa likod mismo ng notebook ni “R”. simula nun eh di nya na ako pinansin. nung taong din yun, nagtanim naman kami ng kinchay. kaso ewan ko ba, mi hindi nga tumubo eh. sayang ang effort ko sa pagtatabas ng damo at pagbubungkal ng lupa. nakakasama ng loob.
Grade 6: may naging friend ako na lalake ulet, si “B” naman. mabait na mabait sya sa akin. lagi nya ako binibili ng dirty ice cream ni Mang Mario. lagi nya rin akong hinahatid pauwi. kalagitnaan na ng klase nung pinansin na ulet ako ni “R”, eh kaso dahil nga sa naging close kami ni “B” eh nagkaroon sila ng gap. hanggang sa nag-away yung dalawang ungas dahil sa akin. ang bangis talaga ng sex appeal ko noh? nung grade 6, dahil siguro sa kapalpakan namin sa gardening eh nilipat nalang kami sa Home Economics. ayun, pinagcross-stitch kami buong taon.
=========
after graduation, nawalan na ako ng contact sa lahat ng naging classmates ko. sa manila kasi ako nag-aral, at sila eh naging loyal sa caloocan kaya hayun. nawala na ako sa sirkulasyon.
fast forward..
eto, graduating na ako next sem. nakasabay ko si julie na bumalik sa dati kong skul (FYI: schoolmate ko din si julie nung elementary at high school, pero ahead ako sa kanya ng isang taon. magkaiba kami ng batch).
after 8 long years, nakatapak ako ulet dun sa lugar na yun. ang dami-daming nagbago. wala na yung mga dati kong advisers. wala na rin yung garden plot na pinagtaniman namin ng talbos ng kamote. nawala na yung playground. wala na yung ice cream stand ni Mang Mario. parang sumikip ang lobby, at bumaba ang kisame. siguro, tumangkad lang talaga ako.
nadaanan ko yung naging mga classrooms namin.. isa-isa tuloy na nagbalikan lahat ng masasayang memories na iningatan ko nung nasa elementary pa ako. ang sarap ng buhay ko nun, wala akong ibang problema maliban sa pag-iisip kung paano mapapatubo ng mga talbos ng kamote. wala rin akong malisya pagdating sa boys. kalaro lang ang turing ko sa kanila. ngayon kasi, ibang laro na ang naiisip ko pag boys ang pinag-uusapan. haha.
i want those sweet days back again.. ![]()
aruray101 asked: anung meron at nagpalit ka? :)
maiba lang.. kaumay na kasi yung lumang theme ko. ilang years ko ng gamit yun. :p


